by Kulay Dala

Pasalubong

Maria Rilkรซ Arguelles

ang proyekto

Sa apat na taon kong pagsusulat sa Makiling, unti-unti kong naunawaan na sa kasalukuyan, nagsusulat ako para makatakas. Ang maiikling kwentong sinulat namin sa klase bilang malalayong lugar na pasaglit-saglit binibisita, ang pagbabasa at pagsusulat ng mga ito na pagbibyahe tungo sa ibang pagkakataon, sa ibang buhay, sa sandali ng mga estranghero at sa ibang sarili. Sa pagsusuri ng mga gawang ito naging matingkad sa akin na mahilig akong umiwas. Mahilig magpaligoy-ligoy sa mga detalye, tsumamba sa pakiramdam, at kadalasan ay nagpapaligรกw sa pahina.Sa ikaapat na taon ko sa Makiling, naisipan kong pagtangkaang ang pagpirmi, at naging kasabay nito ang interes o curiosity sa proseso ng pagbuo ng isang chapbook ng maiikling tula.When I started this project, all there was was a nagging feeling that I had to face something wildly intimidating yet urgent. Kinalaunan, natuklasan kong ang mga bagay na aking kinatatakutan o kinakabahala ay mga bagay ring nakakasalamuha at iniibig sa pang-araw-araw na buhay. This project then opened an opportunity for me to take a careful step back and reassess what I understood about myself, how I operate as a person, as well as how I view my relationships with family and other people, and what unsugarcoated feelings were actually encountered over the course of this almost three-year long pandemic. While conceptualizing, I was interested in the motif of rain, and themes of the self and the other, the body and mutilated parts, familiar spaces, and distance. Interestingly enough, the harder it was to admit the feelings tied to these experiences, the more compelled I was to write them, even if the main idea escaped me and the page eventually.Writing the project, it was also made clear that I had to have at least an idea of what poetry was for me, what I asked of it and at the moment, what I eventually held onto was that poetry cannot be rushed and so the page had become a place where I could pause, and take my time figuring out what I mean to say. To let moments unfold, slowly. To let everything happen, without assuming its finality, without jumping on the impulse to act out a reaction. So when I think about Pasalubong, I see it as only the first step towards more endeavors, curiosities and realizations on my immediate surroundings, and fears, and desires, and writing.Here, the ones I love are likened to fractions of our natural environment, making it somewhat easier for me to close our distances and sit beside them without shying away from the heavy silences our beings hold. The self is scrutinized and reflected in the other, put in jars and paper boats sent downstream, and the body, cut to pieces shuffled between different voices.Ang Pasalubong ay isang pagtatangkang harapin ang mga damdamin at hindi kasiguruhang tinalikuran ko nitong mga nakaraang mga taon. Isa rin itong pagsasanay sa pag-unawa at pananatili, gayundin pagbabakas ng mailap at pabago-bagong pagkakakilanlan at alaala sa gitna ng ibaโ€™t ibang pagsubok na nagdadaan.

Poster Illustration by Kulay Dala.

mga tula

Daan PauwiInilalapit ako ng inyong tingin.
Paruparong bitbit ang mawo, butiking nakanguya
sa pakpak ng paruparo, palagi kayong nakaabang
sa anumang dumadapo; heto ang purong gatas
para sa pusong nangangalos, heto ang malugod
at mainit na palad; kamay na umaabot
sa hangin ang tunog ng pangalan.

Abril, isang umagaTanaw kita sa di-kalayuan. Gamit ang mga salita,
subukan mong buuin ang aking larawan: buhaghag
na buhok, dalaga sa bintanang malumanay
ang namumulang mata, may kung anong sinisipat
sa loob ng salamin. Mga palad na nagkikiskis.Marahil babaeng may kandong
na galit, nakapinta ang puyat sa balat.
Marahil bata, malambot ang bungo, lumilipad
sa indayog ng duyan. O hindi kaya ikaw,
ang bigat ng maaari sa bawat sandali
bago pa man mabuo ang pagkakakilanlan.
May tumatawag saโ€™yo. Hindi mo mailarawan.
Ganito mo siya hinuhubaran:
paisa-isang salita,
paisa-isang linya.

Ang BisitaHindi ko maunawaan ang ngayon.
Sa halip, masid kita, isang bilog
na walang humpay gumugulong
sa kahon-kahong mga silid, nagbabaybay
ng mga lupaing estranghero sa akin.
Isang malaking bibig, dalawang batong itim,
isang silip sa gunita ng makulimlim
na hapong ang katawan moโ€™y waring nakapirmi
sa pagkakakandong sa akin.

Dito sa hardinMinsan pakiwari ko higit
akong tadyang kaysa paladโ€“
hirap umabot o sumalo at sa halip,
hinugot sa kung saang
ibang katawang bumuo ng sarili
paikot sa laman.
Habol-tingin sa naunang katawan,
hindi ko alam kung paano siya pangangalanan,
kung anong itatawag, o kung kailangan pa
gayong iisang hakbang lamang at ilang taon
ang layo ng aming katawan.
Puno ang laman,
baluktot na hinliliit ang sanga,
umaabot,
pag-iisa na parang
awit ng mga kuliglig
sa ilalim ng mga ugat.
Gitna ng tag-araw.

DibuhoMay liwanag na tumatapik
sandaling bumalikwas nagmulat
na tao sa garapon
ng sardinas, lunod sa mantika
ni buntot o palikpik wala.
Malaking palad ang pumihit
sa takip malaking mata ang sumilip.
Magkapares na gulatโ€”hindi ko narinig
ang kanyang tinig. Saglit na nahagip
sa kanyang pagnganga: ang dagat
nakatupi sa ilalim ng kanyang dila.

MinsanWalang makatutukoy
kung alin
sa katawang ito
ang akin.
Waring dinikit lang
sa isang Rubikโ€™s cube ang ilang
napulot na retaso ng pagkakakilanlan,
pinihit sa pagkakaumay ang mga piyesa
saka tinawag na pinakamamahal.
Bitbit ko ngayon
ang ibaโ€™t ibang kulay,
pinipihit habang pinipihit ako
ng panahon sa pagkakasakal.

Ang KalaroDahil naroon
ang kasalukuyan, ang ikaw
sa iyong pagkakaintindi, sa gilid
ng hardin narito ako, ang bunga
sa umaabot na sanga ng puno,
ang namumuong bagyo,
o manipis na araw, o diwang hindi malambat
ng anumang pagpapaliwanag. Alam ko
ang ipinunta mo rito ang mismong
pagiging bansot, madungis at musmos, tikom na
nakaabang sa likod ng pinto. Ang sandali
bago ang pagkakakilala. Hindi ko alam
ang iyong nakikita. Ang akin
isang multo, gaga, isang kamay,
nangangarap makapagdaop-palad.

MinsanMay dumapo sa balat
kasabay ng malumanay na sikat ng araw.
Nagmulat ang pandama.
Sinuri ko ang silid na parang
may hinahanap ngunit napako
ang tingin sa itim: pusa, naglalaro,
may kung anong hinahamag
sa ilalim ng kama.

Abril, isang magdamagwala akong maibahagi
dahil sa gitna ng gabi
natauhan akong tinakasan
ng sariling mga kamay
kung may bakas man
sa mapa ang ganitong pagtakas
hindi ko alam kung paano ito susundan
walang maibabahagi sa iyo,
tinangay na ng gabi ang lahat
ang dapat nating pag-usapan
liban na lang sa paborito mong unang
inuunan ko sa mga gabing tulad nito

BuhosTagpi-tagping mga ulap,
marami ang napiga. Sa langit
ilang lata ang pumatak
at sunod ay tuluyang bumuhos
ang mga karayom sa kalsada.
Walang malinaw sa aking tainga
at inanod na sa kanal ang butones
kong mga mata. Walang nagbabagoโ€“
may mga tagping bata pa ring
tinatahi ng ulan sa kalsada
bukas-palad na sinasalubong
ang ganitong bigat, ang ganitong
unang ulan ng Mayo.

DelubyoBumubuhos na sa kabilang kanto
at paparating na ang baha, nilululon
na ng makapal na tubig ang tao.
Narito ako, gumuguhit sa papel ng bangka.

sa terminal ng busWalang kinang sa milyon-milyong
matang nauulanan ng sinag ng araw
sa siyudad na kinulayan ng pagal. Isang kalokohan,
ang pag-iisip na hinihintay ng alapaap
ang ating pagtingala. Ilang tao na
ang kanilang nakita, ilang taon nang
nagmamasid, lumuluha,
katulad nating sawa na
sa pagtingin. Sino ang makapagsasabi
kung saan maginhawang magbaling ng mata?
Nais kong manlimos ng isang saglit
kung saan wala pang nangyari, o marahil nangyari na
pumikit dahil narito tayo,
natira sa gitna ng lahat, naliliwanagan
sa gitna ng malawak na aninong dumaraan.
Patuloy ang pag-usad
ng linyang mabigat sa katahimikan.

Bagong uwiBurara. Dapat nakinig ako nang sabihin nilang itago nang maayos ang mga nalalabi at tandaan kung saan isinuksok ang mga ito. Naglinis ako ng silid at nakatagpo ng dalawang kahong katumbas ng mga gunita. Bawat isa ay kinadenahan ng dugtong-dugtong na sapot at ilang pinagsaluhang labรญ. Mula sa mga kahong naging pagmamay-ari na nila, ilang laruang pinaglakihan, ilang guhit, ilang pilas na papel ng mga alaalang hindi maalala. Binahayan na ito ng alikabok, tinikman ng mga bubuwit, iilan na lamang ang natira.Hinihila ko na naman ang nanunuklap na balat ng aking labi, marahan upang hindi mapigtas kaagad. Kaharap ang pader, kinikilala ko ang mga litratong nakasabit hanggang lubusan kong mabalatan ang labi. Walang pagpipigil. Itinuloy ko ang paghila hanggang sa matalupan kong buo ang aking ulo, balikat, braso at dibdib. Sa aninag sa salamin ng nakakuwadradong larawan, iba na ang inuusisang hitsura. Hindi ko lubusang masabi na ako ang nasa litrato.

Sa dalampasiganAmoy sa iyong palad ang abong humahalo sa hangin mula sa apoy sa harap natin. Puno ng gabi ang dagat at kung hindi ulinig ang makapal nilang pag-urong at paghampas, aakalain kong wala akong tainga, at sa dalampasigan natatapos ang mundo. Nais kong maramdaman ang mga guhit at ang bawat uka ng iyong palad upang maniwala: narito ang mga narito, bukas-palad, bukas sa halik ng liwanag.

Morning walkIto ang pagkakamali ko: sa araw-araw,
sa malakurtinang usok ng nagliliyab na punongkahoy
sa gilid ng hardin, sa samyo at paninilaw ng ilang-ilang
na pumapatak sa pagbuhos ng ulan, pilit kong tinutukoy
kung saan maaaring lumitaw ang imahen ng iyong mukha.
Sinasalat ang sariling katawan, humahanap ako ng lagusan
tungo sa iyo, sa bawat sulok, sa bawat uka at pantal sa balatโ€“
umaaligid sa samyo ng di-matukoy na halaman, hindi tiyak
kung paruparong may tungkulin
o estrangherong napasaglit lamang.

Dito sa salaTaimtim, subaybay ako
sa bawat pagkilos ng iyong anyo; tala
sa alaala ang bawat daplis ng liwanag
sa nahihimbing mong laman,
ang bawat pagpatak ng iyong dibdib
na waring may inaabot sa kung saanโ€“anong
panaginip ang gagap ng nangangatal na talukap
ng iyong mga mata? Hindi ko malaman
kung para saan itong aking pag-aabangโ€“
sa pagpatak ba ng araw o sa pagdating ng sakuna,
sa iyong tahimik na pagmulat, sa isang pagkakasala,
o sa iyong pagsambulat, biglaang kulumpon ng mga paruparong
iniaangat ng umaga, tinatangay ng liwanag
papalabas sa bintana.

DitoUmaaligid na tiktik ng butiki
ang katahimikan sa apat na pader
ng blankong silid, hanggang pumatak ito,
blankong katahimikan sa aking kanlungan.
Ilang bangkang papel na ang sinulatan at itinupi,
mga lumang lumbay ang pasahero ng bawat isa.
Matagal na silang ipinaanod kung saan maaari.
Dito, ano na lamang ang natitira?
Maaari kong bagtasin at baklasin
ang bawat alaala ng mga buhay na nilakad,
sabihing ako ang lapis, ako ang papel, ako
ang paruparoโ€™t usok sa nagliliyab na punongkahoy
sa likod-bahay ngunit saan ako nito dadalhin?
Malamig ang simoy ng hanging sumisipol sa bintana
kasabay ng sansinukob na nilalatagan ng gabi. Unti-unting
nag-unat ng mga paa. Saan pa nga ba ako dadalhin
kundi rito, bukรกs sa gitna ng mga sandali, pinakikilos ng
katahimikanโ€“papalabas sa pinto.

pasasalamat

Ang PHSA staff at personnel, ang mga direktor at guro, sa apat na taon ng gabay at kalinga.

Maโ€™am Rae, sa pagpili sa mga unang tula kong naisulat.

Cristian, for introducing me to takoyaki, for teaching me big words, and for the challenges that pushed me to be better.

Maโ€™am Dennese, for kindness and patience like no other.

Ibarang โ€“ Cuentos, Reyesiano, at Cozara, for all the magic we made, and for the endless chika; Alon, Mithi at Kidlat, Iโ€™m excited for your growth.

Coro, for all our high highs and low lows. Your different melodies never fail to amaze me.

Ate Meg, Ate Danny, at Ate Bea, bilang inspirasyon nitong mga nakaraang taon. Ate Sophie, sa tiwala. Kuwit at Variations, sa lakas at tapang na tumindig at lumaban.

kulay, for working with me on this project. Sol, Plus Ultra! Storm and Ivan, sa lahat ng ingay at tulong homework. Cyann, Clyde, and Peter, for sugar, spice, and everything nice.

Ral (hug). Kaya, hi crush <3. Pau, my shark-toothed star, mwa! Ariana, my gentle fire (sobs). Vee, my red flag senpai (affectionate). Kay rami kong natutunan sa inyo. Lubusang pag-ibig at pasasalamat; hereโ€™s to more takoyaki shared between the six of us.

Rephaiah, sa mga taon.

Jeng-Jeng at Mesandeeel! Walang ibang mahihiling na magulang kundi kayo.
Aram, sa ligalig at liwanag. Diego da dog, the goodest boy.

Aling Maria at Bundok Makiling, muliโ€™t muling babalik.

Taxpayers, sa bawat pagkakataon ng pagkatuto. Dalawang taon pa ang utang ko sa inyo.

tungkol sa may-akda

Maria Rilkรซ Arguelles is a Kuwit member currently sleeping in somewhere in Cavite. Sheโ€™s spent most of her life secretly tucked inside her head and occasionally, she stares at blank documents until something appears. Other than that, sheโ€™s currently looking forward to hiding under her favorite pillow, binging Hunter x Hunter, and re-arranging her TBR pile.

Her works have been featured in the annual Creative Writing literary folio, Dagta, as well as The Basement, and Sahaya: Mga Tula at Dagli mula sa Sahaya: Timpalak Panitikan (2021) published by the Sentro ng Wikang Filipino - UP Diliman. In June 2021, she partook in ๐™›๐™ง๐™–๐™ข๐™š๐™จ, ๐™จ๐™ฅ๐™–๐™˜๐™š๐™จ ๐™–๐™ฃ๐™™ ๐™ค๐™ฉ๐™๐™š๐™ง ๐™ฉ๐™๐™ž๐™ฃ๐™œ๐™จ ๐™ฌ๐™š ๐™˜๐™–๐™ก๐™ก ๐™๐™ค๐™ข๐™š, a showcase put together by the grades 7 to 9 of Kuwit as both contributor and curator.Ril is currently the News Editor for Variations, the official student publication of PHSA.

aklat at iba pang detalye

Available sa Lazada ang Pasalubong!
Mabibili sa store ngย Everythingโ€™s Fine.
Limitadong kopya lamang.

Cover Art: Carrefour City on Rue Jeanne Mailotte (2020) ni Sofia de Aros
Maaaring bisitahin ang mga link sa ibaba para sa pagpapareserba ng kopya:

Feel free to tune in and view other Kuwit projects by checking out the following links:

Visit and anticipate the other ๐’ƒ๐’†๐’•๐’˜๐’†๐’†๐’ ๐’‘๐’‚๐’•๐’„๐’‰๐’˜๐’๐’“๐’Œ ๐’”๐’†๐’‚๐’Ž๐’” projects here: